Hinihimok ng Tsina ang Amerika na agarang itigil ang pakiki-alam sa mga suliranin ng Espesyal na Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), agarang kanselahin ang umano’y “sangsyon,” at huwag ituloy ang pagtahak sa maling landas.
Ito ang ipinahayag Nobyembre 10, 2020, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.
Nauna rito, napa-ulat kamakailan na ipinataw ng Amerika ang sangsyon sa 4 na opisyal Tsino, dahil isinagawa ng Tsina ang HK National Security Law.
Tinukoy ni Wang na ang aksyong ito ng Amerika ay malubhang lumabag sa pandaigdigang batas at pundamental na prinsipyo ng relasyong pandaigdig.
Buong tatag aniyang tinututulan at kinondena ng Tsina ang nasabing hakbang.
Ang Hong Kong ay Hong Kong ng Tsina; ang mga suliraning panloob ng Hong Kong ay suliraning panloob ng Tsina; at walang anumang puwersang dayuhan ang may kapangyarihang maki-alam sa mga ito, mariing saad ni Wang.
Salin:Sarah