Talumpati ni Pangulong Xi sa SCO, mataas na pinahahalagahan ng mga iskolar at dalubhasa ng iba’t ibang bansa

2020-11-11 17:05:22  CMG
Share with:

 

 

Sa pamamagitan ng video link, dumalo at nagtalumpati Nobyembre 10, 2020, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Ika-20 Pulong ng Konseho ng mga Puno ng Estado ng Shanghai Cooperation Organization (SCO).

 

Kaugnay nito, ipinahayag ng mga dalubhasa ng iba’t ibang bansa na ito ay tumukoy sa direksyon ng pag-unlad ng SCO, at malakas na puwersang tagapagpasulong tungo sa pagpapalalim ng pagkakaisa at kooperasyon, at pagtatatag ng pinagbabahaginang kinabukasan ng buong sangkatauhan.

 

Sinabi ni Vladimir Petrovsky, dalubhasa ng Institute of Far Eastern Studies, Russian Academy of Sciences, na ang talumpait ni Pangulong Xi ay makakatulong sa mga miyembro ng SCO na itakda ang estratehiya ng magkakasamang pagharap sa mga hamon,

 

Ipinahayag naman ni Nina Ivanova, Tagapangulo ng Samahan ng Belarus sa Pagkakaibigang Panlabas, na binigyan-diin ni Pangulong Xi ang pag-uugnay ng diwa ng lahat ng mamamayan para itatag ang pinagbabahaginang kinabukasang pangkultura, at tunay itong napakahalaga.

 

Sinabi ni Rupak Sapkota, dalubhasa ng Nepal, na isinulong ni Pangulong Xi na dapat samantalahin ng iba't ibang panig ang bagong pagkakataon ng pag-unlad ng Tsina, at aktibong palalimin ang pakikipagkooperasyon sa Tsina.

 

Ayon naman kay Avtandil Otinashvili, editor ng Newsday Information Agency ng Georgia na, ang pagbibigay-diin ni Pangulong Xi sa pagtatatag ng pinagbabahaginang kinabukasan ng kalusugan, ay isang pagpapahayag ng mithiin ng mga mamamayan ng iba’t ibang bansa laban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

 

Ito aniya ay angkop sa komong kapakanan ng komunidad ng daigdig, at makakabuti sa pagtatagumpay ng paglaban sa pandemiya.

 

Mataas ding pinahahalagahan nina Omar Farooq Zain, dalubhasa ng Pakistan; Bauzhan Mukanov, dalubhasa ng Kazakstan; Asanga Abeyagoonasekera, iskolar ng Sri Lanka; Tursunali. dalubhasa Kuziev ng Uzibekistan, at iba pang dalubhasa at iskolar ng iba’t ibang bansa ang naturang talumpati.

 

Salin:Sarah

Please select the login method