Desisyon hinggil sa HongKong, aprubado ng Pirmihang Lupon ng NPC

2020-11-11 17:15:50  CMG
Share with:

 

 

Nobyembre 11, 2020, Beijing - Inaprubahan sa Ika-23 Pulong ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) ang Desisyon Hinggil sa Kuwalipikasyon ng mga Miyembro ng Legislative Council (LegCo) ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR).

 

Ayon dito, madidiskuwalipika ang miyembro ng LegCo kung kusa niyang susuportahan o isusulong ang “pagsasarili ng Hong Kong,” o itatanggi ang soberanya ng Tsina sa Hong Kong, o gagawa ng ibang aksyong makasisira sa seguridad ng bansa, na di-angkop sa saligang batas ng HKSAR.

 

Dagdag pa rito, ang pangalan ng diskuwalipikadong miyembro ng LegCo ay isasapubliko ng pamahalaan ng HKSAR.

  

Salin:Sarah

Please select the login method