Ipininid kahapon, sa Shanghai, ang 6-araw na Ika-3 China International Import Expo (CIIE).
Nilagdaan sa ekspo ang mga inisyal na kontrata ng pagbili ng mga paninda at serbisyo, na nagkakahalaga ng $72.62 bilyon na maisasakatuparan sa loob ng darating na isang taon.
Ipinakikita ng halagang ito ang napakalaking potensyal ng pamilihang Tsino.
Ang kasalukuyang CIIE na idinaos sa panahon ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), ay nagbigay ng pag-asa sa mga bahay-kalakal ng iba't ibang bansa para bumangon mula sa kahirapan.
Sa pamamagitan nito, nakikita rin ng komunidad ng daigdig ang pagpapatupad ng Tsina ng pangako sa pagpapalawak pa ng pagbubukas sa labas, at pagsuporta sa pagbuo ng bukas na kabuhayang pandaigdig.
Sa kasalukuyan, nililikha ng Tsina ang iba’t ibang platapormang gaya ng CIIE, para magdulot ng mga pagkakataong pangkaunlaran sa buong daigdig. Sinasamantala naman ng parami nang paraming bansa ang mga pagkakataong ito, at pinapalakas ang pakikipagkooperasyon sa Tsina sa iba't ibang aspekto.
Dahil dito, ang di-umanongn "decoupling" o "paghiwalay" sa Tsina ay naging walang saysay, at salungat sa tunguhin ng panahon.
Salin: Liu Kai