Bilang tugon sa pagkakaroon ng umano’y opisyal na “diyalogong pang-ekonomiya,” ng Amerika at Taiwan, muling ipinagdiinan nitong Miyerkules, Nobyembre 11, 2020 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na palagiang tinututulan ng panig Tsino ang opisyal na pagpapalagayan sa pagitan ng Amerika at Taiwan.
Hinimok din niya ang panig Amerikano na huwag maglabas ng anumang maling signal sa puwersang naninindigan sa “pagsasarili ng Taiwan,” para maiwasan ang grabeng kapinsalaan sa relasyong Sino-Amerikano at kapayapaan at katatagan sa Taiwan Straits.
Salin: Lito