Ika-3 CIIE, isang maliwanag na signal ng pagpapabukas ng Tsina sa labas

2020-11-12 17:28:25  CMG
Share with:

 

Mas mabuti ang bunga ng Ika-3 China International Expo (CIIE) kumpara sa nakaraang dalawang CIIE, at ipinadala nito ang maliwanag na signal na palalawakin pa ng Tsina ang patakaran ng pagbubukas sa labas. 

Ito ang ipinahayag Nobyembre 11, 2020, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina. 

Kaugnay nito, ipininid Nobyembre 10, 2020, ang Ika-3 CIIE, sa lunsod Shanghai, at bagamat kumakalat pa rin ang Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa buong daigdig, aktibong lumahok dito ang mga kompanya ng iba’t ibang bansa.
Umabot sa 72.62 bilyong dolyares ang halaga ng accumulative intended deal, na lumaki ng 2.1% kumpara sa gayon din panahon.

Sa kabilang dako, seremonya ng pagbubukas ng Ika-3 CIIE, ipinatalastas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mga mahalagang hakbangin na kinabibilangan ng pagpapalabas ng negatibong listahan ng transnasyonal na kalakalan ng serbisyo, pagbabawas ng listahan ng pagbabawal at paglilimita ng pagluluwas ng teknolohiya at iba pa.

Lahat ito ay nagpapahiwatig ng lalo pang pagbubukas ng Tsina, saad ni Wang. 

Ipinahayag pa ni Wang na maliwanag na ipinakita ng Ika-3 CIIE ang kompiyansa ng Tsina at ibat-ibang bansa sa pagpapalakas ng kooperasyon at pagpapasulong ng pagbangon ng kabuhayang pandaigdig. 

Salin:Sarah

Please select the login method