Ika-30 anibersaryo ng pagdedebelop at pagbubukas ng distrito ng Pudong, Shanghai, ipinagdiwang

2020-11-12 20:27:03  CMG
Share with:

Ginanap Huwebes ng umaga, Nobyembre 12, 2020 ang selebrasyon ng ika-30 anibersaryo ng pagdedebelop at pagbubukas ng distrito ng Pudong, Shanghai.

Ika-30 anibersaryo ng pagdedebelop at pagbubukas ng distrito ng Pudong, Shanghai, ipinagdiwang

Sa kanyang talumpati sa selebrasyon, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat samantalahin ang pagkakataon, buong tatag na ipatupad ang bagong ideyang pangkaunlaran, at mas mainam na idispley sa daigdig ang ideya, diwa at landas ng Tsina.
 

Saad ni Xi, noong nagdaang 30 taon, pagkaraang komprehensibong matasa ang kalagayan sa loob at labas ng bansa, ginawa ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang mahalagang desisyon ng pagdedebelop at pagbubukas ng distritong Pudong ng Shanghai, bagay na lumikha ng bagong kabanata sa pagpapalalim ng reporma at pagbubukas ng bansa.

Ika-30 anibersaryo ng pagdedebelop at pagbubukas ng distrito ng Pudong, Shanghai, ipinagdiwang

Aniya, pagpasok ng bagong panahon, patuloy na iniharap ng Komite Sentral ng CPC ang malinaw na kahilingan kaugnay ng pagdedebelop at pagbubukas ng Pudong, at inilagay rito ang isang serye ng mga estratehikong tungkulin ng bansa.
 

Tinukoy ni Xi na nitong nakalipas na 30 taon, kapansin-pansing tagumpay ang natamo ng distritong Pudong, at naisakatuparan nito ang malaking pagsulong ng kabuhayan.

Ika-30 anibersaryo ng pagdedebelop at pagbubukas ng distrito ng Pudong, Shanghai, ipinagdiwang

Nanguna rin aniya sa buong bansa ang reporma at pagbubukas ng Pudong, malaking lumakas ang nukleong kakayahang kompetitibo nito, at nagkaroon ng pangkalahatang pagtaas ang lebel ng pamumuhay ng mga mamamayan dito.
 

Dagdag niya, ang kapansin-pansing tagumpay ng Pudong sa pagdedebelop at pagbubukas ay pinakamagandang patunay ng bentahe ng sosyalistang sistemang may katangiang Tsino, at ito rin ang praktika ng reporma’t pagbubukas, at konstruksyon ng sosyalistang modernisasyon.
 

Diin ni Xi, dapat magpunyagi para gawing padron ng reporma at pagbubukas sa mas mataas na lebel, at tagabunsod ng komprehensibong pagtatatag ng isang modernong sosyalitang bansa ang distritong Pudong.
 

Dapat magsikap din ang Pudong upang maging halimbawang nagtatampok sa kompiyansa ng mga mamamayang Tsino sa landas, teorya, sistema at kultura ng sosyalismong may katangiang Tsino, saad pa ni Xi.
 

Salin: Vera

Please select the login method