Desisyon ng Tsina sa LegCo ng HKSAR, kinakailangan at lehitimo

2020-11-12 17:29:27  CMG
Share with:

 

Inaprubahan Nobyembre 11, 2020, sa Pulong ng Pirmihang Lupong ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) ang Desisyon Hinggil sa Kuwalipikasyon ng mga Miyembro ng Legislative Council (LegCo) ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR).

Kaugnay nito, ipinahayag ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang desisyong ito ay isang pangangailangan para igiit at pabutihin ang sistema “Isang Bansa, Dalawang Sistema,” at isakatuparan ang mga tadhana ng Pundamental na Batas ng HKSAR at HK National Security Law.
Ito rin ani Wang  ay kinakailangan at nararapat na hakbangin para mapangalagaan ang pamamahalang pambatas sa Hong Kong at kaayusan ng lipunan ng Hong Kong. 


Aniya pa niya, buong tatag na ipatutupad ng  pamahalaan ng Hong Kong ang lehitimong pagsasakatuparan ng tungkulin nito ayon sa desisyon ng Pirmihang Lupon ng NPC.

Salin:Sarah

Please select the login method