Pangulong Tsino, dadalo sa mga pulong ng BRICS, APEC, at G20

2020-11-12 10:24:42  CMG
Share with:

Ipinatalastas Huwebes, Nobyembre 12, 2020 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa paanyaya ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, lalahok sa Nobyembre 17 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Ika-12 Pagtatagpo ng mga Lider ng BRICS (Brazil, Russia, India, China, at South Africa).

 

Dagdag ni Hua, sa paanyaya naman ni Punong Ministro Muhyiddin Yassin ng Malaysia, dadalo sa Nobyembre 20 si Xi sa Ika-27 Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC), at sa paanyaya ni Salman bin Abdul-aziz Al Saud, Hari ng Saudi Arabia, dadalo rin si Xi sa Ika-15 Summit ng G20 na gaganapin mula Nobyembre 21 hanggang 22.

 

Ani Hua, gaganapin ang nasabing mga pulong sa pamamagitan ng video link, at bibigkas ng mahalagang talumpati si Pangulong Xi sa mga ito.

 

Salin: Lito

Please select the login method