30 taon na ang nakalilipas mula nang isagawa sa Pudong New Area sa Shanghai ang pagbubukas sa labas. Naging daan ito para magkaroon ng walang kaparis na kaunlaran ang dating malawak na sakahan sa Shanghai.
Ayon kay Lee Mie L. Yee, General Manager ng Dai-ichi, isang electronics company sa Shanghai, ang Pudong ay simbolo ng lakas ng Tsina sa larangan ng pananalapi at industriya.
Si Lee Mie L. Yee
Ani Yee, matapos ang 3 dekada, nakamit ng Pudong Economic and Technological Development Area ang tagumpay sa pamamagitan ng pagpaplano, pagpapatupad ng mga patakaran at imprastruktura. Ngayon saad niya, ito ay isang high-tech business district.
Ang Pudong
Ang Dai-ichi Electronics Co. Ltd., ay isang kumpanyang Pilipino na nagbukas ng planta sa Shanghai noong 2004. May 100 empleyadong Tsino at 17 Pilipino ang nagtatrabaho sa kumpanya. Sa kasalukuyan, fully automated na ang planta. Ginagawa sa doon ang mga electronics at de-kalidad na mga loudspeakers. Ang mga produkto ng Dai-ichi ay ini-export sa maraming bansa sa labas ng Tsina.
Planta ng Dai-ichi sa Shanghai
Ani Yee, maraming mga kumpanyang dayuhan ang namumuhunan sa Pudong dahil sa mga insentibong ibinibigay ng pamahalaan. Pinag-aaralan din aniya ng Dai-ichi ang naturang mga insentibo at may posibilidad na makipagpartner sa mga kompanyang dayuhan para magbukas ng joint venture sa Pudong.
Noong Setyembre, 2013, itinatag sa Pudong ang China (Shanghai) Pilot Free Trade Zone.
Kaugnay nito, ani Yee, malaki rin ang papel ng free trade policies sa pagpapaginhawa ng pamumuhunan at kalayaan sa pakikipag-negosyo. Maginhawa ang transportasyon at madaling makahanap ng trabaho. Ang mga ito ay tunay na kaakit-akit sa mga dayuhan na nais magbukas ng negosyo sa Pudong at Shanghai.
Sa kasalukuyan, may 36,000 foreign-funded enterprises at 350 multinational companies mula 170 bansa at rehiyon ang nagbukas ng kani-kanilang headquarters sa Pudong New Area. Ngayong 2020, sa unang 6 na buwan, 12 kumpanya ang naiulat na nagbukas ng HQs sa naturang lugar.
Hindi ito nakapagtataka dahil walang tigil sa pagpapabuti ng sistema ang lokal na pamahalaan ng Pudong. “Bullish and efficient,” ito ang mga salitang ginamit ni Yee upang ilarawan ang pamamaraan ng pamamahala na siyang nagtulak sa Pudong upang manguna sa global economic trend.
Ang US$4.69B na foreign investment sa Pudong sa loob lamang ng unang 6 na buwan ngayong 2020 ay indikasyon sa mabilis na pagbangon ng ekonomiya ng Tsina sa gitna ng pandemiya, sinabi ni Yee. Ipinakikita nito sa buong mundo ang business and financial strength ng Tsina.
16 na taong nang naninirahan sa Shanghai si Lee Mie Yee. Namangha siya nang unang makita ang internasyonal na paliparan noon sa Shanghai. Bumilib din sa urban planning ng lunsod at nakita ang potensiyal ng Pudong bilang isang industrial district. Itinuturing niyang “home away from home”ang Shanghai. May kamahalan lang ang cost of living pero ayon kay Yee ang kaniyang pamumuhay ay maginhawa, ligtas at walang malaking pagbabago. Patuloy din siyang namamangha sa pag-unlad ng imprastruktura ng Shanghai.
Sa hinaharap, tiwala si Yee sa mahalagang papel na gagampanan ng Pudong sa pagsusulong ng ekonomiya ng Tsina dahil sa mga nailatag na pandaigdigang panuntunan at patakaran na nakatuon sa high technology at innovative industrial businesses na kaakit-akit sa mga dayuhang mamumuhunan. Ang Tsina, dagdag niya, ay magiging kumpetitibo sa pandaigdigang ekonomiya.
Ulat: Mac
Edit: Jade
Larawan: Lee Mie Yee/CGTN