Tsina at Aprika, magkakasamang magsisikap para lalo pang pasulungin ang relasyon

2020-11-13 18:06:19  CMG
Share with:

 

 

Nagtalumpati Nobyembre 12, 2020, si Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, sa resepsiyon bilang paggunita sa Ika-20 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC).

 

Sinabi ni Wang na nitong 20 taong nakalipas, sinusunod ng FOCAC ang tunguhin ng kasalukuyang panahon na kapayapaan, kaunlaran at kooperasyon. Ito ngayon ay modelo ng kooperasyon na may mutuwal na kapakinabangan.

 

Dagdag ni Wang, sa pamamagitan ng sariling pagsisikap, hinanap ng Tsina at Aprika ang landas ng pag-unlad na angkop sa kanilang sariling kalagayan.

 

Sa talumpati, inilahad ni Wang ang 4 na paninindigan hinggil sa pag-unlad ng relasyong Sino-Aprikano: pagpapalakas ng pagkakaisa, pagtutulungan sa isa’t isa sa harap ng kahirapan, pagkakaroon ng mutuwal na kapakinabangan, at magkakasamang pagsasabalikat ng mga responsibilidad.

 

Bukod dito, sinabi rin ni Wang na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Aprika, para pasulungin ang kanilang komprehensibong estratehikong kooperasyon sa mas mataas na lebel.

 

Salin:Sarah

 

Please select the login method