Bumigkas Nobyembre 12, 2020, ng talumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa pamamagitan ng video link sa Ika-3 Porum ng Kapayapaan ng Paris.
Binigyan-diin ni Xi na sa harap ng paglitaw ng mga hamon, dapat palakasin ng iba’t ibang bansa ng daigdig ang pagkakaisa, sa halip na likhain ang paghihiwalay. Dapat din aniyang pasulungin ang kooperasyon, sa halip na pukawin ang alitan.
Dapat magkakasamang magsikap ang daigdig para itatag ang pinagbabahaginang kinabukasan ng buong sangkatauhan at idulot ang benepisyo para sa mamamayan ng buong mundo, dagdag ni Xi.
Iniharap din niya ang 3 mungkahi: una, dapat magkaisa ang iba’t ibang bansa para labanan ang Corona Virus Disease 2019 (COVID-19); ikalawa, dapat isagawa ang bukas at kooperatibong patakaran para pasulungin ang pagbangon ng kabuhayan; at ikatlo, dapat igiit ang katarungan at pangalagaan ang kapayapaan.
Ang kapayapaan at kaunlaran ay tema ng kasalukuyang panahon, ito ay daloy ng kasaysayang hindi mahahadlangan, diin ni Xi.
Salin:Sarah