Tsina, ibayo pang isusulong ang pakikipagkooperasyon sa mga bansang ASEAN

2020-11-14 10:41:51  CMG
Share with:

Tsina, ibayo pang isusulong ang pakikipagkooperasyon sa mga bansang ASEAN

Sa kanyang video speech nitong Biyernes, Nobyembre 13, 2020 sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Business and Investment Summit, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na igigiit ng Tsina ang ideya ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran, at patuloy na isusulong ang pakikipagkooperasyon sa mga bansang ASEAN para mapangalagaan ang multilateralismo at malayang kalakalan at maproteksyunan ang kapayapaan at kaunlarang pandaigdig.

 

Tinukoy ni Premyer Li na palagiang naninindigan ang panig Tsino na sa balangkas ng World Trade Organization (WTO), pasulungin ang malayang kalakalan at integrasyong pangkabuhayan sa rehiyon.

 

Ipinahayag niya ang kahandaan ng panig Tsino na sa pundasyon ng may mutuwal na kapakinabangan, palakasin ang estratehikong pakikipag-ugnayan sa mga bansang ASEAN, pasulungin ang magkakasamang pagtatatag ng “Belt and Road” Cooperation. Dapat aniyang magkakasamang magsikap ang iba’t-ibang bansa upang mapasulong ang pag-ahon ng kabuhayang panrehiyon, bagay na makakapaghatid ng malakas na kasiglahan sa pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig.

 

Ang susunod na taon ay Ika-30 Anibersaryo ng Pagtatatag ng Dialogue Partnership ng Tsina at ASEAN. Ani Li, nananalig siyang uunlad ang relasyong Sino-ASEAN tungo sa direksyon ng may mutuwal na kapakinabangan at win-win result. Ito aniya ay hindi lamang ibayo pang makakapaghatid ng benepisyo sa mga mamamayan ng Tsina at mga bansang ASEAN, kundi makakatulong sa pangangalaga sa kapayapaan, katatagan, at kasaganaan ng buong mundo.

 

Salin: Lito

Please select the login method