CMG Komentaryo: Bakit binista ni Pangulong Xi Jinping ang Shenzhen at Shanghai sa loob ng isang buwan?

2020-11-14 10:37:41  CMG
Share with:

CMG Komentaryo: Bakit binista ni Pangulong Xi Jinping ang Shenzhen at Shanghai sa loob ng isang buwan?

Nitong 40 taong nakalipas, bilang “makulay na palabas ng sosyalismong may katangiang Tsino sa isang puting papel,” umunlad ang Shenzhen at naging isang internasyonal na mapanlikhang lunsod mula sa isang “maliit na nayong pangingisda.” Nitong 30 taong nakalipas naman, mula sa pagiging isang sakahan, ang Pudong ng Shanghai ay naging  isang modernong lunsod .

 

Sa loob ng isang buwang, magkasunod na pumunta si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa nasabing dalawang lugar para dumalo sa mga selebrasyon kung saan ginawa niya ang mahalagang pagsasaayos tungkol sa kanilang pag-unlad sa hinaharap. Ito ay nagpalabas ng malinaw na signal ng ibayo pang pagsasagawa ng Tsina ng “reporma, pagbubukas, at inobasyon.”

 

Sa pamamagitan ng dalawang “pinto” ng reporma at pagbubukas ng Tsina sa labas, nakikita ng buong daigdig hindi lamang ang buong tatag na determinasyon ng Tsina sa pagpapasulong ng reporma at pagbubukas sa mas mataas na punto ng simula, lebel, at hangarin at mas malaking pagkakataon sa win-win result, kundi ang masiglang lakas ng “landas ng Tsina.”

 

CMG Komentaryo: Bakit binista ni Pangulong Xi Jinping ang Shenzhen at Shanghai sa loob ng isang buwan?

Sa proseso ng pagtatatag ng bagong kayariang pangkaunlaran, may kakayahan ang Shenzhen at Pudong New Area ng Shanghai sa pagpapalakas ng pagsasaayos ng yamang pandaigdig. Kaya sila ang kapwang napakabuting plataporma ng pagsasamantala ng komunidad ng daigdig sa “pagkakataong Tsino” para sa pag-unlad.

 

Hinihiling din ni Xi sa mga opisyal ng nasabing dalawang lugar na walang humpay na lutasin ang mga problema sa aspekto ng pagbubukas sa mas mataas na lebel at sistematikong pagbubukas para sila ay hindi lamang makatulong sa de-kalidad na pag-unlad ng Tsina, kundi makapagsigla sa pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.

 

Salin: Lito

Please select the login method