Pormal na nilagdaan ngayong araw, Linggo, ika-15 ng Nobyembre 2020, ang kasunduan sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).
Sa pamamagitan ng video link, sinaksihan ng mga lider ng 15 kasaping bansa ng RCEP na kinabibilangan ng mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Tsina, Hapon, Timog Korea, Australia at New Zealand ang paglagda sa kasunduan.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na ang paglagda ng kasunduan sa RCEP ay napakahalagang bunga ng kooperasyon ng Silangang Asya, at tagumpay ng multilateralismo at malayang kalakalan.
Ito rin aniya ay magdaragdag ng bagong sigla sa kaunlaran at kasaganaan ng rehiyong ito, at magbibigay ng bagong lakas sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.
Batay sa data noong 2018, halos 2.3 bilyong populasyon at mahigit $US25 trilyong Dolyares ang Gross Domestic Product (GDP) ng lahat ng 15 kasaping bansa ng RCEP.
Ang nasa ilalim ng saklaw nito ang pinakamalaking malayang sonang pangkalakalan sa daigdig.
Salin: Liu Kai