Ipinahayag Nobyembre 14, 2020, ng lokal na pamahalaan ng Rehiyong Awtonomo ng Uighur ng Xinjiang, na nai-ahon na mula sa ganap na kahirapan at ayon sa pamantayan ng bansa ang 32 nayon sa nasabing rehiyon.
Sa katulad na pangyayari, ipinahayag nang araw ring iyon ng pamahalaan ng lalawigang Yunnan, sa dakong timog ng Tsina, na napuksa na nito ang ganap na kahirapan sa lahat ng nayon ng lalawigan.
Hanggang Nobyembre 14, wala nang mahirap na nayon sa 17 lalawigan at lunsod sa Tsina.
Hinggil dito, ipinahayag ng namamahalang tauhan ng Tanggapan sa Pagpawi sa Kahirapan ng Konseho ng Estado ng Tsina, na sa hinaharap, dapat panatilihin ang katatagan at ipagpatuloy ang mga kinauukulang hakbangin para igrantiya ang komprehensibong pagpawi ng kahirapan bago ang katapusan ng 2020.
Salin:Sarah