Opisyal na nilagdaan Nobyembre 15, 2020, sa panahon ng pulong ng mga Lider ng Kooperasyon ng Silangang Asya, ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), na sumasagisag ng pagsilang ng malayang sonang pangkalakalan na may pinakamalaking populasyon at potensyal ng pag-unlad sa buong daigdig.
Sa panayam, ipinahayag ni Ruan Zongze, Dalubhasa ng China Institute of International Studies, na ang pagkakalagda sa RCEP ay mabuting balita para sa iba’t ibang kinauukulang panig, sa rehiyong Asya-Pasipiko, at buong daigdig.
Lalo pa aniya nitong pahihigpitin at patataasin ang kalidad ng kooperasyon ng Tsina at ASEAN, at idudulot ang win-win result para sa kapuwa panig.
Bukod dito, sa background ng patuloy na pagkontrol sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) at pagbaba ng kabuhayang pandaigdig, ang pagkakalagda aniya sa RCEP ay nagdulot ng kompiyansa para sa komunidad ng daigdig.
Ang rehiyong Silangang Asya at rehiyong Asya-Pasipiko ay lugar na mayroong napakasiglang paglaki ng kabuhayan nitong ilang taong nakalipas.
Lalo pang palalawakin ng RCEP ang espasyo ng pamilihan sa rehiyong ito, at magdudulot ng kasiglahan sa kabuhayan ng buong mundo, dagdag pa niya.
Salin:Sarah