Idinaos Nobyembre 16, 2020, sa Embahada ng Rusya sa Tsina, ang news briefing hinggil sa Ika-12 Virtual Meeting ng mga Lider ng BRICS (Brazil, Russia, India, China at South Africa), na may temang “Partnership ng miyembro ng BRICS sa magkakasamang pangangalaga sa katatagan, seguridad, inobasyon at paglaki ng kabuhayan ng buong mundo.”
Bilang tagapangulong bansa ng BRICS, lubos na pinahahalagahan ang pulong na ito ng Rusya.
Ipinahayag ng namamahalang tauhan ng Embahadang Ruso sa Tsina na sa panahon ng panunungkulan bilang tagapangulong bansa, gagawin Rusya ang pagpapataas ng lebel at kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan ng BRICS bilang pangunahing target. Nanawagan ang Rusya na dapat patuloy na palalimin ang kooperasyon ng BRICS sa tatlong masusing larangan ng pulitika, kabuhayan, at kultura.
Salin:Sarah