Mga diplomatang dayuhan, bumisita sa institutong Tsino na nagdedebelop ng bakuna ng COVID-19

2020-11-17 16:31:18  CMG
Share with:

Isinalaysay kahapon, Lunes, ika-16 ng Nobyembre 2020, ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa paanyaya ng kanyang ministri, bumisita nitong Nobyembre 12 ang mga diplomatang dayuhan sa Beijing Institute of Biological Products of Sinopharm, kung saan kasalukuyang dinedebelop ang bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Ayon kay Zhao, pagkaraang malaman ang kasalukuyang kalagayan ng paggawa ng bakuna, ipinahayag ng mga diplomatang dayuhan ang kahandaan ng kani-kanilang bansa, na pasulungin, kasama ng Tsina, ang kooperasyon sa pagdedebelop at paggamit ng bakuna.

 

Ani Zhao, ipinahayag din ng mga diplomatang dayuhan, na ang pahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na magiging "global public good" ang mga bakuna kontra COVID-19 na idinebelop ng Tsina ay nagpalakas ng kompiyansa ng iba't ibang bansa sa pagtalo ng pandemiya ng COVID-19.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method