Bilang tugon sa pagbatikos ni Bob Rae, Embahador ng Kanada sa United Nations (UN) sa Tsina na umano’y nagaganap ang genocide sa Xinjiang, mariing pinabulaanan ito nitong Lunes, Nobyembre 16, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina. Aniya, mula noong taong 2010 hanggang 2018, tumaas sa 12.72 milyon ang bilang ng populasyong Uygur sa Xinjiang na lumaki ng 25% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Ito ani Zhao, ay malinaw na mas mataas kaysa bahagdan ng paglaki ng mga mamamayang Han. Ipinakikita ng datos na ito na talagang walang katotohanan ang bitang ng nasabing embahador, dagdag pa ni Zhao.
Salin: Lito
Pulido: Mac