Ang resulta ng pag-aaral sa pampublikong opinyon ng relasyong Sino-Hapones ay magkasamang na inilabas nitong Nobyembre 17, 2020, ng China Foreign Languages Publishing Administration o China International Publishing Group, CIPG at Genron NPO, isang non-profit think tank ng Hapon.
Ayon sa resulta, kapuwang ipinalalagay ng mga respondents na Tsino at Hapon na napakahalaga ang pagkakatatag ng bagong relasyong pangkooperasyon ng Tsina at Hapon.
Ipinahayag ni Gao Anming, Pangalawang Puno ng CIPG na kumakalat ngayon ang COVID-19 sa iba’t ibang lugar ng daigdig, sa background na ito, sinuportahan ng mga Tsino ang bilateral at multilateral na kooperasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig ng dalawang bansa.
Sinabi rin ni Yasushi Kudo, Puno ng Genron NPO na 44.6% ng mga Hapon na naging bahagi ng pag-aaral ay may palagay na napakahalaga ang pagkakatatag ng bagong kooperasyon ng Tsina at Hapon, at ang numerong ito ay naging pinakamataas sa kasaysayan.
Salin:Sarah