Idinaos Nobyembre 16, 2020, ang virtual meeting ng Porum sa Mataas na Antas ng Tsina at Europa sa Berdeng Kooperasyon, na magkasamang itinaguyod ng delegasyong Tsino, Unyong Europeo (EU), European Union Chamber of Commerce in China, at European Business Summit.
Lumahok sa porum na ito ang mga dalubhasa mula sa Tsina, Alemanya, Denmark at iba pang bansa.
Sunud-sunod na ipinahayag ng mga kalahok na dapat lubos na gamitin ng Tsina at EU ang komplemantaryong bentahe, para magkakasamang harapin ang hamon ng pagbabago ng klima ng buong mundo.
Bukod dito, sa berdeng kooperasyon ng Tsina at EU, binabalak na higit na isasakatuparan ang mga komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang panig, para pasulungin ang pagbabago ng industriya ng Tsina at EU at sustenableng pag-unlad ng buong daigdig.
Ang mga kaganapan kaugnay ng porum na ito ay iniulat ng China Media Group (CMG) sa iba’t ibang wika gamit ang maraming plataporma ng media.
Salin:Sarah