Sa pamamagitan ng video link, bumigkas ng keynote speech ngayong araw, Huwebes, ika-19 ng Nobyembre 2020, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) CEO Dialogues.
Binigyang-diin ni Xi, na dapat palalimin ang ideya sa komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan, ipagpatuloy ang rehiyonal na integrasyong pangkabuhayan, pasulungin ang konektibidad, at itaguyod ang inklusibo at sustenableng pag-unlad.
Sa pamamagitan ng mga ito aniya, unti-unting isasakatuparan ang mga hangarin, at idudulot ang mas mabuting pamumuhay sa mga mamamayan sa Asya-Pasipiko.
Salin: Liu Kai