Sa pamamagitan ng video link, bumigkas ng keynote speech ngayong araw, Huwebes, ika-19 ng Nobyembre 2020, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) CEO Dialogues.
Tinukoy ni Xi, na ang inobasyon ay palaging lakas-tagapagpasulong sa pag-unlad ng Tsina.
Aniya, bubuuin ng Tsina ang sistema ng inobasyong nagsasama ng mga sektor ng siyensiya't teknolohiya, edukasyon, industriya, at pinansyo, at patataasin ang lebel ng industrial chain.
Salin: Liu Kai