Xi Jinping, nagtalumpati sa APEC CEO Dialogues

2020-11-19 12:23:59  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng video link, bumigkas ng keynote speech ngayong araw, Huwebes, ika-19 ng Nobyembre 2020, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) CEO Dialogues.

 

Tinukoy ni Xi, na malalimang nakikisangkot ang Tsina sa kabuhayan at sistemang pandaigdig.

 

Aniya, sa harap ng pagkalat ng unilateralismo at proteksyonismo, hindi humihinto ang mga gawain ng Tsina sa pagbubukas sa labas.

 

Binigyang-diin ni Xi, na hindi babaligtarin ng Tsina ang tunguhing pangkasaysayan, sa pamamagitan ng "decoupling" o pagbuo ng maliit na sirkulo kung saan ibubukod ang iba.

 

Aktibong isasagawa ang kooperasyon sa mga bansa, rehiyon at kompanyang nagnanais makipagkooperasyon sa Tsina, dagdag niya.

 

Kaugnay naman ng kooperasyon sa rehiyong Asya-Pasipiko, sinabi ni Xi, na sa pamamagitan ng mga bentahe sa pagpapalagayan, patuloy na magpapakita ng malaking sigla ang pinapalakas na kooperasyong ito.

 

Nanawagan din siya para sa pagpapasulong ng ideya ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan, pagpapatuloy ng rehiyonal na integrasyong pangkabuhayan, pagpapalakas ng  konektibidad, at pagtataguyod ng inklusibo at sustenableng pag-unlad.

 

Ani Xi, sa pamamagitan ng mga ito, unti-unting maisasakatuparan ang mga hangarin, at magkakaroon ng mas mabuting pamumuhay ang mga mamamayan sa Asya-Pasipiko.

 

Salin: Liu Kai at Vera

Please select the login method