Maagang Pamasko para sa mga Pinoy scholars inihandog ng Chinese Embassy sa Pilipinas

2020-11-20 15:59:44  CMG
Share with:

Maagang pagdiriwang ng Pasko ang ibinigay para sa mga kabataang Pinoy na nakakuha ng Chinese Ambassador Scholarship  nitong  Miyerkules, ika-18 ng Nobyembre ng 2020 sa  Embahadang Tsino sa Pilipinas.

 

Dumalo sa  online resepsyon ang halos 40 guro at estudyante mula sa University of the Philippines (UP) at Philippine Normal University (PNU).

Maagang Pamasko para sa mga Pinoy scholars inihandog ng Chinese Embassy sa Pilipinas

 
Ipinahayag ni Embahador Huang Xilian ang pagbati at sinabing magkasamang lumalaban ang Tsina at Pilipinas sa epidemya ng COVID-19 sa taong 2020. Ito aniya ay isang maningning na palatandaan ng pagkakaibigan ng dalawang bansa.
 
Umaasa si Embahador Huang na magiging sugo ang mga Chinese Ambassador Scholarship Recipients para palalimin ang paguunawaan at pagpapalitan sa pagitan ng Tsina at Pilipinas.
 
Sinabi ni Dr. Fidel R. Nemenzo, Chancellor ng UP Diliman, na ang Chinese Ambassador Scholarship ay nakakatulong sa pagpapapalim ng pagkaunawa ng mga estudyanteng Pilipino sa bilateral na relasyon ng dalawang bansa.
 
Sinabi naman ni Dr. Bert J. Tuga, Presidente ng PNU, na ang Chinese Ambassador Scholarship ay mabuti sa pag-unlad ng PNU at mga estudyante nito sa hinaharap.
 
Ang Chinese Ambassador Scholarship ay sinimulan noong Setyembre 2014 para tulungan ang mga nangangailangang estudyante ng Pilipinas. Hanggang sa kasalukuyan, mahigit 300 estudyanteng Pilipino na ang  nakinabang sa naturang libreng edukasyon sa mga pangunahing pamantasan ng Tsina. 


Ulat: Ernest
Pulido: Mac/Jade 
Larawan: Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas 

Please select the login method