RCEP, lilikhain ang mabuting kondisyon para sa talastasan ng kasunduan ng Tsina, Hapon at T.Korea sa malayang zonang pangkalakalan — Tsina

2020-11-20 15:24:10  CMG
Share with:

 

 

Ipinahayag Nobyembre 19, 2020, sa presscon sa Beijing, ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na ang paglalagda ng Regional Comprehensive Economic  Partnership (RCEP) ay lilikha ng mainam na kondisyon para pabilisin ang talastasan ng kasunduan ng Tsina, Hapon at Timog Korea sa malayang zonang pangkalakalan.

 

Tinukoy din ni Gao na lilikhain ng RCEP ang pantay-pantay, transparent, matatag at predictable na kapaligiran ng patakaran para sa kalakalan ng Tsina sa labas at mga kompanya sa larangan ito.

 

Isasagawa ng miyembro ng RCEP ang mga patakarang tulad ng pagbabawas ng taripa ng isa’t isa, pagbubukas ng pamilihan, pagkansela ng mga balakid sa kalakalan at iba pa, at ito ay lalo pang magpapababa ng gastos ng kalakalan at pasusulungin ang pagiging maginhawa ng kalakalan, sa gayo’y pasulungin ang paglaki ng pamumuhunan at paglaki ng kalakalan ng iba’t ibang bansa sa rehiyong ito.

 

Ayon sa ulat, magsisikap ang Tsina at Unyong Europeo para tapusin ang kasunduang pangkalakalan ng Tsina at EU sa pamumuhunan.

 

Hinggil dito, sinabi ni Gao, na nakahanda ang Tsina na patuloy na makipagkomunikasyon sa EU para pasimulan ang proseso ng talastasan ng kasunduan ng Tsina at EU sa malayang zonang pangkalakalan sa lalo madaling panahon, batay sa pundasyon ng  kasunduan ng Tsina at EU sa pamumuhunan.

 

Salin:Sarah

Please select the login method