Sa pamamagitan ng video link, lumahok at nagtalumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina nitong Huwebes, Nobyembre 19, 2020, sa Beijing, sa diyalogo ng mga lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC).
Lubos na pinahalagahan ang talumpati ni Pangulong Xi ng mga personaheng dayuhan ng iba’t ibang sirkulo. Ipinalalagay nilang binigyan-diin sa talumpati na aktibong itatatag ng Tsina ang bagong development paradigm at palawakin ang pagbubukas sa labas. Ito ay tiyak na magdudulot ng mas maraming pagkakataon para sa iba’t ibang bansa ng daigdig, at magpapalakas ng kompiyansa para sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.
Sinabi ni Wilson Lee Flores, manunulat ng The Philippine Star, na ang talumpati ni Pangulong Xi ay muling nagpakita ng kapasiyahan ng Tsina sa pagpapalakas ng kooperasyong pandaigdig, pagpapalawak ng pagbubukas sa labas, pagpapasulong ng malayang kalakalan at multilateralismo. Napakahalaga nito para sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.
Ipinahayag din ni Ong Tee Keat, Tagapangulo ng Center for New Inclusive Asia ng Malaysiya, na ang pagtatatag ng Tsina ng bagong pilosopiya ng pag-unlad ay magkakaloob ng isang pamilihang Tsino na may napakalaking pontensyal para sa pag-unlad ng kabuhayan ng buong daigdig.
Sinabi din ni Ei Sun Ho, dalubhasa ng Singapore Institute of International Affairs na ang pagpapalawak ng Tsina ng pangangailangang panloob ay hindi lamang makakabuti sa paglaki ng kabuhayang Tsino, kundi rin makakabuti sa pagbangon ng kabuhayan ng mga trade partner ng Tsina na tulad ng mga bansa ng ASEAN.
Salin:Sarah