Pakikitungo ng Tsina sa pagsapi sa CPTPP, positibo’t bukas

2020-11-20 11:57:17  CMG
Share with:

Sinabi nitong Huwebes, Nobyembre 19, 2020 ni Tagapagsalita Gao Feng ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na positibo at bukas ang atityud ng Tsina sa pagsapi sa Comprehensive and Progressive Agreement for Trans-Pacific Partnership (CPTPP).
 

Aniya, naninindigan ang panig Tsino sa pagtatatag ng bukas, malinawag, may mutuwal na kapakinabangan at win-win results na regional free trade agreement. Kung aangkop sa simulain ng World Trade Organization (WTO), at makakapagpasulong sa globalisasyong pandaigdig at integrasyon ng kabuhayang panrehiyon ang anumang bukas, inklusibo at malinawag na kasunduang panrehiyon sa malayang kalakalan, buong lugod na tatanggapin ito ng panig Tsino.
 

Dagdag ni Gao, pag-iibayuhin ng Tsina ang sistematikong pagbubukas, at umaasang igigiit ng iba’t ibang panig ang ideya ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan, magkakapit-bisig na pasusulungin ang liberalisasyon at pagpapadali ng proseso ng kalakalan at pamumuhunan, at isasakatuparan ang mutuwal na kapakinabangan, win-win situation, at komong kaunlaran.
 

Salin: Vera

Please select the login method