Tutupdin ng Tsina ang pangako tungkol sa COVID-19 vaccine at dapat itatag ang komunidad ng pinagbabahaginang kalusugan ng sangkatauhan — Xi Jinping

2020-11-21 23:29:33  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng video link, dumalo at bumigkas ng mahalagang talumpati sa Beijing nitong Sabado ng gabi, Nobyembre 21, 2020 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa unang yugto ng pulong ng Ika-15 G20 Summit.

 

Ipinagdiinan ni Xi na aktibong sinusuportahan at nilalahukan ng Tsina ang pandaigdigang kooperasyon sa COVID-19 vaccine, at sumapi na sa “COVAX.” 

 

Nakahanda aniya ang Tsina na palakasin ang pakikipagkooperasyon sa iba’t-ibang bansa sa mga aspektong gaya ng pagsubok-yari, pagpoprodyus, at pamamahagi ng mga bakuna. Tutupdin ng Tsina ang pangako nitong magkaloob ng tulong at suporta sa mga iba pang umuunlad na bansa para pantay na makuha ng mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa ang bakuna.

 

Diin ni Xi, dapat palakasin ang pag-uugnayan ng mga patakaran at pamantayan, at dapat ding itatag ang “mabilis at maginhawang tsanel” para makapagbigay-ginhawa sa maayos na pagpapalagayan ng mga tauhan.

 

Umaasa ang Tsina na makikilahok ang mas maraming bansa sa mekanismo ng pagkakakilanlan ng health QR code na batay sa resulta ng nucleic acid testing, sabi ni Xi.

 

Idinagdag ni Xi na sa kasalukuyan, ang pinakamahigpit na tungkulin ay palakasin ang pandaigdigang sistema ng pampublikong kalusugan, pigilin at kontrulin ang pandemiya ng COVID-19 at iba pang nakakahawang sakit.

Salin:Lito

Pulido:Mac

 

Para rito, iminungkahi ni Pangulong Xi na dapat palakasin ang papel ng World Health Organization (WHO), pasulungin ang kakayahan ng buong daigdig sa pagharap sa pagkalat ng pandemiya, matibay na pangalagaan ang kaligtasan at kalusugan ng sangkatauhan, at itatag ang komunidad ng pinagbabahaginang kalusugan ng sangkatauhan.

 

 

Please select the login method