G20, gumaganap ng di-mahahalinhang papel sa pagharap sa COVID-19: Xi

2020-11-21 23:34:48  CMG
Share with:

“Ang COVID-19 ay nagpapakita ng kakulangan sa pandaigdigang pangangasiwa. Kailangan nating tumalima sa prinsipyo ng magkakasamang pagsasanggunian, magkakasamang pagtatatag at magkakasamang pagbabahagi, at manangan sa multilateralismo, pagiging bukas at inklusibo, pagtutulungang may mutuwal na kapakinangan, at pag-usad ayon sa pagbabago ng panahon. Ang G20 ay kailangang magpatingkad ng papel nito para manguna rito.”


Ito ang ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang talumpati sa online G20 Riyadh Summit ngayong gabi, Nobyembre 21, 2020. 


Ipinagdiinan din ng pangulong Tsino ang kahalagahan ng pangangalaga sa multilateral na sistemang pangkalakalan at suporta sa World Trade Organization, para matiyak ang interes at kapakanan ng mga umuunlad na bansa.


Salin: Jade 
Pulido: Mac 

Please select the login method