Pangulong Xi ng Tsina: itatag ang komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng cyberspace

2020-11-23 11:35:14  CMG
Share with:

Sa kanyang mensaheng pambati sa World Internet Conference and Internet Development Forum na binuksan Nobyembre 23, 2020  sa Wuzhen, nayon sa lalawigang Zhejiang sa dakong timog silangan ng Tsina, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na, sa kasalukuyang daigdig, ang bagong round ng pagbabago ng teknolohiya at industriya ay nagdudulot ng mabilis na pag-unlad sa digital na teknolohiya.

 

Sapul nang kumalat ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), pinapatingkad aniya ng internet ang napakahalagang papel para sa pagpapasulong ng pagbangon ng kabuhayan ng iba’t ibang bansa at kooperasyon ng komunidad ng daigdig sa paglaban sa COVID-19.

 

Binigyan-diin ni Pangulong Xi na nakahandang magsikap ang Tsina,  kasama ng iba’t ibang bansa ng daigdig, para samantalahin ang pagkakataong pangkasaysayan sa reporma ng impormasyon, itatag ang komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng cyberspace, at likhain ang mas maliwanag na kinabukasan ng buong sangkatauhan.

 

Salin:Sarah

Please select the login method