Ang bagong paradigm o pilosopiyang pangkaunlaran ng Tsina ay magkakaloob ng mas maraming pagkakataong pangkaunlaran sa buong daigdig. Ang kaisipang ito ay hindi nangangahulugan ng pagsarado ng pinto, sa halip, layon nitong itatag ang bagong sistema ng bukas na kabuhayang may mas mataas na pamantayan.
Ito ang winika ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang talumpati sa G20 Riyadh Summit ngayong gabi, Nobyembre 21, 2020.
Nakapaloob sa bagong labas na ika-14 na Panlimahang Taong Plano (2021-2025) ng Tsina ang "dual circulation" development model kung saan pasusulungin ng isa’t isa ang pamilihang panloob at mga merkadong banyaga.