Ika-15 G20 Summit, nagdulot ng lakas para sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig —— Tsina

2020-11-23 16:13:17  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng video link, idinaos mula Nobyembre 21 hanggang 22, 2020, ang Ika-15 G20 Summit.

 

Hinggil dito, ipinahayag Nobyembre 23, 2020, ni Chen Chao, Pangalawang Puno ng Departamento ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na sa Ika-15 G20 Summit, nalagdaan ang komunike kung saan narating ang mga positibong komong palagay sa kalakalan at pamumuhunan, pinansyo, digital na kabuhayan, kalusugan; at iba pang mahalagang isyu, na lubos na nagpakita ng determinasyon ng mga miyembro ng G20 sa harap ng hamon.

 

Ang mga ito rin aniya ay nagdulot ng lakas sa pagpapasulong ng pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.

 

Sinabi ni Chen na ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ay ilan sa mga mahalagang pundasyon ng G20.

 

Sa pamamagitan ng magkakasamang pagsisikap ng mga miyembro, natamo ng summit ang mahalagang bunga sa larangang pangkabuhayan at pangkalakalan, diin niya.

 

Ipinahayag din ni Chen na ang G20 ay kinatawan ng mga pangunahing ekonomiya ng daigdig: ang kabuuang bolyum ng kabuhayan nito ay nasa 86% ng Gross Domestic Product (GDP) ng buong daigdig, at ang populasyong nito ay nasa 65% ng buong mundo.

 

Aniya, sa kasalukuyan, kinakaharap muli ng komunidad ng daigdig ang komong hamon, at kinakailangang patingkarin ng G20 ang namumunong papel, upang palakasin ang kooperasyong pandaigdig, tungo sa tagumpay laban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) at pasulungin ang pag-unlad ng kabuhayan ng daigdig.

 

Salin:Sarah

Please select the login method