Tsina, matagumpay na inilunsad ang Chang'e-5 lunar probe

2020-11-24 07:35:05  CMG
Share with:

Matagumpay na inilunsad ngayong madaling araw, Martes, ika-24 ng Nobyembre 2020, ng Tsina, ang Chang'e-5 lunar probe mula sa Wenchang Spacecraft Launch Site sa lalawigang Hainan sa katimugan ng bansa.

 

Sakay ng Long March-5 heavy-load carrier rocket na lumipad sa loob ng mahigit kalahating oras, pumasok sa orbita ang probe.

 

Ayon sa nakatakdang plano, sa loob ng darating na mahigit 20 araw, lalapag ang Chang'e-5 lunar probe sa ibabaw ng Buwan, kukunin ang halos 2 kilong lupa, at ibabalik ang mga ito sa Mundo, para isagawa ang mga siyentipikong pananaliksik na gaya ng pag-aaral sa pagbuo at ebolusyon ng Buwan.

 

Ito ang magiging kauna-unahang pagkakataon ng pagkuha ng Tsina ng mga sample mula sa Buwan at pagdala ng mga ito pabalik sa Mundo.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method