Ipinahayag Nobyembre 23, 2020, sa preskon sa Beijing, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na walang komento ng Tsina sa mga suliraning panloob ng Amerika.
Ito ang tugon sa balitang posibleng i-nomina ni Joseph Robinette Biden si Antony Blinken bilang bagong Kalihim ng Estado ng Amerika.
Inulit ni Zhao ang paninindigan ng Tsina sa relasyong Sino-Amerikano. Sinabi niya na ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano ay angkop sa pundamental na kapakanan ng mga mamamayan ng kapuwang dalawang bansa. Nakahanda rin ang Tsina na palakasin ang koordinasyon ng Tsina at Amerika, palawakin ang kooperasyon, at kontrolin ang pagkakaiba.
Salin:Sarah