Ministrong Panlabas ng Tsina at Ehiopia: Pasulungin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa

2020-11-24 13:39:19  CMG
Share with:

Ipinadala Nobyembre 24, 2020, nina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at kanyang counterpart na si Demeke Mekonnen ng Ethiopia, ang mensaheng pambati sa isa’t isa, bilang pagdiriwang sa Ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Ethiopia.

 

Ipinahayag ni Wang na nitong 50 taong nakalipas sapul nang itinatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Ethiopia, malalim ang pagtitiwalaang pulitikal ng isa’t isa, mabisa ang aktuwal na kooperasyon sa iba’t ibang larangan. Sa harap ng pandemiya ng COVID-19, nagtutulungan sa isa’t isa ang dalawang bansa, dagdag niya.

 

Sinabi rin ni Wang na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Ehiopia, para isakatuparan ang mga komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa, para walang humpay na pasulungin ang komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Ethiopia.

 

Ipinahayag ni Demeke na matagal na ang pagkakaibigan ng Ethiopia at Tsina. Nahakanda aniya ang Ehiopia na magsikap, kasama ng Tsina, para palalimin ang tradisyonal na pagkakaibigan, pahigpitin ang kooperasyon, at walang humpay na palawakin ang komong kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

 

Salin:Sarah

Please select the login method