Sa preskon Nobyembre 24, 2020, sa Tokyo, na magkasamang nilahukan nina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at kanyang counterpart na si Motegi Toshimitsu ng Hapon, ipinahayag ni Wang na sa panahon ng kanyang pagdalaw sa Hapon, malalim siyang nakipagpalitan ng palagay kay Motegi Toshimitsu hinggil sa relasyong Sino-Hapones at ibang isyung panrehiyon at pandaigdig na kapuwa mahalaga sa Tsina at Hapon.
Dahil dito aniya, narating ang 5 mahalagang komong palagay at 6 na kongretong bunga.
Buong pagkakaisa aniyang ipinalalagay ng Tsina at Hapon na kailangang sundin ang estratehikong pamumuno ng mga lider ng dalawang bansa, batay sa 4 na dokumentong pulitikal ng Tsina at Hapon; pabutihin ang pagtitiwalaan sa isa’t isa; itatag ang relasyong Sino-Hapones na angkop sa bagong panahon; magkasamang labanan ng Tsina at Hapon ang pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19); at aktibong pasulungin ang proseso ng kooperasyong panrehiyon.
Dagdag pa ni Wang, suportado ng isa’t isa ang pagdaraos ng Tokyo Olympic Games at Beijing Winter Olympic Games, at .matapos ang pandemiya, komprehensibong panunumbalikin ang pagpapalitan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin:Sarah