Sa kanyang pagdalaw kamakailan sa Pilipinas, inilabas ni Robert O'Brien, National Security Advisor ng Amerika, ang pahayag tungkol sa di-umano'y pagmamay-ari sa mga yaman sa South China Sea (SCS).
Sinulsulan din niya ang Pilipinas na makipagkomprontasyon sa Tsina sa isyu ng SCS.
Ang Amerika ay nasa labas ng rehiyon ng SCS, at ang ganitong pananalita mula sa isang mataas na opisyal Amerikano ay isang iresponsableng atityud.
Kaugnay nito, kailangang sipiin ang kuru-kuro ng isang Pilipinong netizen.
Sa kanyang komento sa Facebook, sinabi niyang "hindi lamang ang Pilipinas at Tsina ang mga claimant country sa SCS, at kung lalabanan ng Pilipinas ang Tsina sa ilalim ng suporta ng Amerika, lalabanan din ba ng Pilipinas ang ibang mga claimant country?"
Tama ang sinabi ng Pinoy netizen na ito.
Sa isyu ng SCS, nakapokus lamang ang mga politikong Amerikano sa komprontasyon at eksklusyon, at hindi nila binabanggit ang pagtutulungan at pagbabahagi.
Ipinakikita nito ang egoism at unilateralismo ng kasalukuyang administrasyong Amerikano.
Isang magandang halimbawa ay ang naturang pahayag ng panig Amerikano, na hindi magandang suhesyon sa mga bansa sa paligid ng SCS.
Ito ay labag sa tunguhin ng kalagayan sa rehiyong ito.
Sa kasalukuyan, sa ilalim ng magkakasamang pagsisikap ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), matatag sa kabuuan at bumubuti pa ang kalagayan sa SCS.
Sa Ika-23 ASEAN China Summit na idinaos noong isang linggo, buong pagkakaisang sinang-ayunan ng mga lider ng dalawang panig, na palakasin ang diyalogo at pagsasanggunian, maayos na hawakan at kontrolin ang mga hidwaan, at aktibong pasulungin ang talastasan hinggil sa Code of Conduct in the SCS (COC), para magkakasamang pangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa karagatang ito.
Ang pagtutulungan at pagbabahagi ay dapat maging mabuting pagpili para sa SCS.
Ang kinabukasan ng karagatang ito ay nakaugat sa matatag at palakaibigang kapaligiran, at mapayapa at masaganang rehiyong ito.
May-akda: Liu Kai