Matagumpay na inilunsad Nobyembre 24, 2020 ang Chang'e-5 Lunar Probe mula sa Wenchang Spacecraft Launch Site sa lalawigang Hainan, gawing timog ng Tsina tungo sa buwan.
Ito ang pinakamahirap na misyon sa kasaysayan ng aerospace ng Tsina.
Sa kauna-unahang pagkakataon, isasagawa ng Chang'e-5 ang 4 na tungkulin:
Mangolekta ng sample sa ibabaw ng buwan
Lumipad mula sa ibabaw ng buwan
Magsagawa ng unmanned docking sa orbita ng buwan
Bumalik sa mundo dala ang lunar soil.
Salin:Sarah