Matagumpay na inilunsad Nobyembre 24, 2020 ang Chang'e-5 Lunar Probe mula sa Wenchang Spacecraft Launch Site sa lalawigang Hainan, gawing timog ng Tsina tungo sa buwan.
Pagkatapos ng misyon, lilipad ang Chang’e-5 mula sa ibabaw ng buwan, at babalik sa mundo dala ang lunar soil.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon para sa sasakyang pangkalawakan na likha ng Tsina na lilipat mula sa isang celestial body at babalik sa mundo.
Dagdag pa riyan, ito rin ang kauna-unahang pagkakataong misyong tulad nito sa buong kasaysayan ng aerospace ng buong sangkatauhan.
Salin:Sarah