Planong lehislasyon ng UK kontra sa Huawei, labag sa regulasyon ng malayang kalakalan

2020-11-26 16:17:56  CMG
Share with:

 

 

Bilang tugon sa planong lehislasyon ng United Kingdom (UK) na magpaparusa sa mga kompanya ng telekomunikasyon ng Britanyang gagamit ng mga pasilidad at teknolohiya ng Huawei ng Tsina, ipinahayag Nobyembre 25, 2020 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na pinipinsala ng UK ang lehitimong karapatan ng mga kompanyang Tsino, at walang humpay rin nitong ina-atake ang pundasyon ng pagtitiwalaan ng dalawang bansa.

 

Posibleng aprobahan ngayong araw ang lehislasyon na magbabawal sa Huawei na makisangkot sa pagtatatag ng 5G network ng UK.

 

Ayon dito, posibleng kaharapin ng mga kinauukulang kompanya ang malaking multa kung gagamitin nila ang pasilidad ng Huawei matapos magkabisa ang batas na ito.

 

Hinggil dito, ipinahayag ni Zhao, na sinusugpo ng UK, kasama ng Amerika, ang mga kompanyang Tsino sa pretext ng walang basehang panganib.

 

Ang aksyong ito aniya ay labag sa prinsipyo ng market economy at regulasyon ng malayang kalakalan.

 

Sa background na tulad nito, dapat lubos na ikatakot ang pananatiling bukas at pagkapantay-pantay ng pamilihan at kaligtasan ng pamumuhunang dayuhan sa UK, saad ni Zhao.

 

Salin:Sarah

 

Please select the login method