Ipinahayag Nobyembre 25, 2020, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dapat agarang iwasto ng India ang diskriminasyon laban sa 43 Chinese Apps, para maiwasan ang mas malaking kapinsalaan sa kooperasyon ng Tsina at India.
Tinukoy ni Zhao, na nitong Hunyo 2020, 4 na beses nang ipinagbawal ng India ang paggamit ng mga Chinese Apps sa pretext ng pangangalaga sa seguridad ng bansa.
Ang aksyon ito, ani Zhao ay maliwanag na labag sa prinsipyo ng pamilihan at regulasyon ng World Trade Orgnization (WTO), at grabeng nakapinsala sa lehitimong karapatan ng mga kompanyang Tsino.
Buong tatag itong kinokondena at tinututulan ng Tsina, mariing pahayag ng tagapagsalita.
Aniya pa siya, responsibilidad ng pamahalaan ng India na pangalagaan ang lehitimong karapatan ng internasyonal na investor, na kinabibilangan ng mga kompanyang Tsino.
It ay ayon sa prinsipyo ng pamilihan, dagdag ni Zhao.
Salin:Sarah