CMG Komentaryo: Balik “honeymoon” ba ang relasyon ng Amerika at Europa?

2020-11-27 16:08:09  CMG
Share with:

Inanunsyo kamakailan ng U.S. General Services Administration (GSA) ang tagumpay ni Joseph Robinette Biden sa halalang pampanguluhan ng Amerika. Nang araw ring iyon, sa kanyang pakikipag-usap sa telepono sa mga lider ng Unyong Europeo at North Atlantic Treaty Organization (NATO), binigyan-diin ni Biden na dapat palalimin at ibangon ang relasyong trans-Atlantiko.

 

Sinabi ng ilang media na ang relasyon ng Amerika at Europa ay may pag-asang babalik sa “honeymoon stage.” Totoo kaya ito?

CMG Komentaryo: Balik “honeymoon” ba ang relasyon ng Amerika at Europa?

 

Ayon sa media ng Denmark, sa panahon ng pagsasagawa ng Denmark ng public bidding para sa pagbili ng fighter planes mula 2015 hanggang 2016, ninakaw ng intelligence agency ng Amerika ang mga impormasyon mula sa Ministri ng Pananalapi at Ministring Panlabas ng Denmark, at mga kalahok na bahay-kalakal na militar ng Europa, para magtagumpay sa bidding ang Lockheed Martin Corporation ng Amerika.

 

Bukod dito, isinagawa rin ng Amerika ang eavesdropping sa Sweden, Germany, France, Norway, Netherlands at ibang bansang Europeo.

 

Sa anggulo ng kasalukuyang kapaligirang pandaigdig, marahil mahirap ang pagpapanumbalik ng relasyon ng Amerika at Europa. Ang desisyon hinggil sa relasyon ng Amerika at Europa ng bagong pamahalaang Amerikano, ay depende sa estratehikong kapakanan ng bansa, at maapektuhan ng pulitikal na kalagayan sa loob ng Amerika.

CMG Komentaryo: Balik “honeymoon” ba ang relasyon ng Amerika at Europa?

Nitong ilang taong nakalipas, naging mas malakas ang estratehikong awtonomiya ng Europa. Naging malakas rin ang boses ng pagpapanatili sa relasyong trans-Atlantiko. Sa hinaharap, marahil bubuti ang relasyon ng Amerika at Europa, pero hindi magiging madali ang paglutas sa napakaraming kontradiksyon na sa pagitan ng dalawang panig.

 

Salin: Sarah

 

Please select the login method