Tsina at ASEAN, lalo pang pasusulungin ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan

2020-11-27 16:15:46  CMG
Share with:

 

Kaugnay ng pagbibigay ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng video speech sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-17 China-ASEAN Expo (CAEXPO) at China-ASEAN Business and Investment Summit (CABIS), at pagdalo sa aktibidad na ito ni Yang Jiechi, nakatataas na diplomatang Tsino, ipinahayag Nobyembre 26, 2020, sa preskon sa Beijing, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ipinakikita nitong ang ASEAN ay priyoridad ng diplomasya sa mga nakapaligid na bansa ng Tsina.

Tsina at ASEAN, lalo pang pasusulungin ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan

Dagdag ni Zhao, nitong ilang taong nakalipas, matagal na pinapalalim ang kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa iba’t ibang larangan at walang humpay na pinapalakas ang relasyon ng dalawang panig. Sapul nang kumalat ng pandemiya COVID-19, nagkooperasyon at nagtulungan sa isa’t isa ang Tsina at mga bansang ASEAN.

 

Nakahanda ang Tsina na sa pamamagitan ng pagdaraos ng ekspong ito, lalo pang pasusulungin ang relasyon at kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at ASEAN, saad ni Zhao.

 

Salin:Sarah

Please select the login method