Tsina sa India: pangalagaan ang kapayapaan sa hanggahan sa mataimtim na pakikitungo at aktibong aksyon

2020-11-27 16:06:40  CMG
Share with:

 

Tsina sa India: pangalagaan ang kapayapaan sa hanggahan sa mataimtim na pakikitungo at aktibong aksyon

Ipinahayag Nobyembre 26, 2020, sa preskon sa Beijing, ni Ren Guoqiang, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na sa kasalukuyan, matatag sa kabuuan ang kalagayan sa hanggahan ng Tsina at India.

 

Sinabi niyang, umaasa ang Tsina na tatahak ang Tsina at India tungo sa iisang direksyon, at ipapatupad ang mga komong palagay sa pamamagitan ng matapat na pakikitungo at aktibong aksyon, para magkakasamang mapangalagaan ang kapayapaan sa naturang lugar.

 

Idinaos Nobyembre 6, 2020 ng Tsina at India ang Ika-8 Pulong sa Lebel ng Kumander. Buong pagkakaisang sinang-ayunan ng kapuwang dalawang panig na isakatuparan ang mga mahalagang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa, igarantiya ang pagtitimpi ng hukbong ng dalawang panig, para maiwasan ang maling pagkaunawa at maling paghusga.

 

Salin: Sarah

Please select the login method