Sa pamamagitan ng video link, bumigkas ng talumpati ngayong araw, Biyernes, ika-27 ng Nobyembre, 2020, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-17 China-ASEAN Expo (CAEXPO) at China-ASEAN Business and Investment Summit (CABIS).
Ipinahayag ni Xi, na nitong 7 taong nakalipas sapul nang iharap niya noong 2013 ang magkakasamang pagtatatag ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ng 21st-Century Maritime Silk Road at mas mahigpit na komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at ASEAN, ang relasyong Sino-ASEAN ay nagsilbing pinakamatagumpay at pinakamasiglang halimbawa sa rehiyonal na kooperasyon sa Asya-Pasipiko, at pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
Umaasa rin aniya siyang, sa pamamagitan ng CAEXPO at CABIS, idudulot ng Tsina at ASEAN ang mas maraming pagkakataong pangnegosyo, at matatamo ang mas maraming bunga, para magkakasamang lumikha ng mas masagana at magandang kinabukasan.
Salin: Liu Kai