Tsina at ASEAN: Palalakasin ang kooperasyon sa digital na kabuhayan

2020-11-27 16:09:09  CMG
Share with:

 

 

Idinaos Nobyembre 26, 2020, sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina, ang Ika-4 na China-ASEAN Information Harbor Forum.

 

Lumahok sa naturang porum ang mga opisyal at dalubhasa sa larangan ng digital na kabuhayan mula sa Tsina at mga miyembro ng ASEAN. Sa gitna ng pandemiya ng COVID-19 sa buong mundo, naging pokus ng mga kalahok ang kooperasyon sa pag-unlad ng digital na kabuhayan, artificial intelligence at iba pang may kinalamang larangan.

 

Ipinahayag ni Qin Rupei, Executive Vice-Chairman ng Guangxi, na ang China-ASEAN Information Harbor ay mahalagang plataporma sa antas ng estado ng Tsina. Sapul noong unang pagdaraos ng China-ASEAN Information Harbor Forum noong 2015 hanggang ngayon, natamo nito ang maraming mahalagang bunga sa pagpapasulong ng pag-uugnayan sa information technology, kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, pagpapalitang pangkultura, digital na kooperasyon at iba pang larangan.

 

Salin:Sarah

Please select the login method