Binuksan Nobyembre 26, sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina, ang 8th Forum on China-ASEAN Technology Transfer and Collaborative Innovation na may temang “Empower the Future with Opening-up and Innovation.”
Lumahok sa porum ang mga 200 opisyal at dalubhasa mula sa Tsina at mga bansang ASEAN sa kapuwang online at offline na paraan. Malalim na tinalakay nila ang lalo pang pagpapalakas ng kooperasyong panteknolohiya ng Tsina at mga bansang ASEAN, pagpapasulong ng inobasyon at iba pang isyu.
Sa kanyang online speech, ipinahayag ni Wang Zhigang, Ministro ng Siyensiya at Teknolohiya ng Tsina, na inaasahan na lalo pang pasusulungin ng Tsina at mga bansang ASEAN ang kooperasyon sa larangan ng inobasyong pansiyensiya at panteknolohiya, para magdulot ng mas magandang kinabukasan.
Salin:Sarah