Idinaos kahapon, Biyernes, ika-27 ng Nobyembre 2020, sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina, ang seremonya ng kolektibong paglalagda sa mga kasunduang pangkooperasyon ng Ika-17 China-ASEAN Expo (CAEXPO).
Nilagdaan ng iba't ibang panig ang mga kasunduan sa 86 na proyekto ng pamumuhunan. Halos 264 na bilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pamumuhunan, at lumaki ito ng 43.6% kumpara sa nagdaang ekspo. Ito ay record high sa kasaysayan ng CAEXPO.
Kabilang dito ay mga proyekto sa digital economy, na gaya ng konstruksyon ng big data center at 5G cloud computing base sa Guangxi. Mas mabuting maglilingkod ang mga ito para sa kooperasyon ng Belt and Road Initiative, at malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN.
Salin: Liu Kai